K Na!
This entry was posted on Tuesday, February 13th, 2007 at 5:59 am and is filed under Uncategorized. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.

March 27th, 2007 at 5:06 am
eLoW pOh.!
gOd bLeSs pOh n diS cOmiNg eLeCtiOn.!
(¯`•._.•+ eLaiNe +•._.•´¯)
March 27th, 2007 at 6:49 pm
k na tayo!!!
god bless poh!!
regard lang poh sa family nyo lalo na kay
frankie cute nya po sa commercial!
gud lock po sa election!!
March 27th, 2007 at 8:43 pm
Godbless!!
i know your a good man!!..
Keep up the good work..
be more responsible
March 27th, 2007 at 10:08 pm
hahah! dapat add nyo ako! layout kami ng mga KIKO! wanhaha, k na k na k na! vote Joker Arroyo! the peoples dragon! pag bad ka, lagot ka! syempre pati si KiKO!
March 28th, 2007 at 6:17 am
vote for kiko..
very good for not choosing any party list and beside u still win with out it..
March 28th, 2007 at 7:06 am
k na po ang vote ko para po sa inyo. good bless po.
March 28th, 2007 at 9:43 pm
your a good politician..kaya asahan nyo boto ko..Godbless..
March 28th, 2007 at 10:41 pm
hello poh…
i know you will remain as senator because your a good person and have big heart..i want to become like you sir kaso hindi kaya ng power ko..senator kiko Godnless you and your family.i know you will make it K na..
March 28th, 2007 at 10:42 pm
hello poh…
i know you will remain as senator because your a good person and have a big heart..i want to become like you sir kaso hindi kaya ng powers ko..senator kiko Godbless you and your family.i know you will make it K na..
March 29th, 2007 at 9:50 pm
ASAHAN NYO BOTO KO
VOTE KIKO FOR SENATOR
K!NA….
GOD BLESS
March 30th, 2007 at 4:10 pm
Congratulations! Sure kang number one dito sa london!
March 30th, 2007 at 8:08 pm
lahat ng famuly ko ibobot po namin kayo!!!! asahan nyo po ang suporta namin at ng mga taga quezon…. at sana po ay makadating dito kayo!!! para madama nyo ang init ng aming suporta!!!
March 31st, 2007 at 7:19 am
K! na K! ka dito sa Isabela solid na solid ka dito.
April 1st, 2007 at 4:22 am
K! Na k!! na dto sa cebu at sa dumaguete City
April 5th, 2007 at 7:36 am
hello po kuya kiko sana manalo ka kasi your soo deserving nA MANALO SANA PUMTA KA DITO SA POLOMOLOK SOUTH COTABATO…PLSSSSSS PARA MARINIG KO PO YUNG MGA GAGAWIN MO PO IF MANALO KA….THNKZZZ MORE BLESSING TO COME
April 5th, 2007 at 10:29 am
uhmm… I hope you’re reading this
The juvenile justice bill….
is… a good law… but not really wise…
why?
Did you know that…. in areas such as SQUATER’S AREA… ang mga kabataan ang leading cause of crimes?
And did you know.. that some TANODS already died… killed by juveniles…
Hindi kasi makalaban and TAnod bec. of this bill…
And… tumaas ang crime rates caused by juveniles in such areas……..
I know your intentions are good…
please… follow up this
bill…
please MAKE it effective….
I’am really hoping you’d do something about this problem…
May 11th, 2007 at 12:20 am
hi Senator Kiko…boboto kita!!! Godbless
May 24th, 2007 at 3:31 am
HI po.. It’s still me sbacayo2000@yahoo.com.. pls.. chatm8 pow tayo.. thnx.. akin powz: sbacayo2000
March 22nd, 2008 at 8:11 pm
SUNAS PARENTS NANANAWAGAN SA MGA OTORIDAD
Magandang araw po sa inyo.
Kami po ay mga magulang ng mga mag-aaral sa Surallah
National Agricultural School, Surallah, South
Cotabato. Karamihan po sa amin ay mga maralitang
mamamayan kung saan dito lang po namin kayang paaralin
ang aming mga anak. Itong SUNAS na paaralan ay under
sa supervision ng inyong AUTHORITY. Ito ay
pinamamahalaan ni Superintendent Dr. Isidro H. Cambel
mula pa noong 1998.
Nais po naming ipaabot ang mga ginagawang labag sa
batas nitong abusadong kawani ng gobyerno na ito.
Kung inyong matatandaan, siya po ay nalipat sa TESDA
Regional Extewnsion Office noong 2003 dahil sa sya ay
pinitisyon ng mga magulang na umalis ng SUNAS sa
kadahilanang hindi sya karapatdapat na mamuno sa
eskwelahan ng SUNAS. Ito ay dahil sa sya ay corrupt,
abusado at hindi makatarungang pamumuno at pag- manage
ng eskwelahan.
Nais po naming maimbestigahan nyo itong mga pangyayari
kung saan makikita ang pang aabuso ng mga kawani ng
SUNAS at pagwawalang bahala sa kapakanan ng aming mga
anak na nagsisipag- aral sa SUNAS:
Ang kawalan ng kakayahan ng mga nasa katungkulan
partikular sina provincial Director Mai Macarimbang ng
TESDA, Dean Edna Benavidez, Mrs. Rosie Mauricio, Head
ng Instruction, at Mrs. Lynnie Javellana,
Administrative Officer sa pag-aksyon ng mga hinaing ng
aming mga anak tungkol sa graduation donations,
graduation fees, yearbook fee, pwersahang pagpapa-
martsa sa mga Bachelor in Agricultural Technology 1 na
hindi naman dapat. Ang sabi ni PD Macarimbang sa
meeting ay hintayin si Dr. Cambel upang malutas ang
mga problema. Dapat pa nga ba? Nasaan ang authority
nya bilang Provincial Director lalo pa at alam nyang
si Dr. Cambel at on- leave. Sa araw na yun, nararapat
lamang na lutasin na nila ang problema dahil mag
pa-final exam na ang aming mga anak kinabukasan. Si
PD Macarimbang ay hindi karapatdapat sa kanyang
pwesto! Walang silbi ang kanyang pag- attend ng
meeting noong March 11, 2008.
Ang pagwalang bahala ng mga nasa katungkulan ng SUNAS
gaya nila Mrs. Javellana, Dean Benavidez at Nrs.
Mauricio sa aming mga magulang na nagsipagdatingan
noong umaga ng March 11, 2008 upang maayos ang
problema ng aming mga anak. Bakit halos ayaw kami
nilang harapin? Bakit hinayaan nila kaming gutumin sa
paghihintay na nagyari ang meeting sa hapon na. Ang
masama pa, hindi nalutas ang problema sa meeting na
yun kahit pa nandoon na ang Provincial Director, si
Dean Benavidez at Mrs. Mauricio.
Ang pananakot at pagbabanta nila Dean Benavidez at
Mrs. Mauricio sa aming mga anak na pumirma sa mga
sulat kung saan sila ay nagpapa abot lamang ng
kanilang mga hinaing at problema. At ang mga
pagtatanong sa aming mga anak kung sino ang namuno sa
mga sulat na ginawa upang maayos sana ang problema
bago pa ang final exams. Wla silang karapatang
manakot, magbanta at magtatanong! Bagkos, dapat
silang matuwa dahil ito ay naglalarawan lamang ng
tamang pag iisip at estratihiya ng aming mga anak sa
paglutas ng mga problemang akademya.
Ang pangha-harrass sa mga estudyante na nagtatanong
noong March 6, 2008 sa ginanap na General Assembly ng
Supreme Students Council (SSC) ni Dean Benavidez.
Naiintindihan kaya nya ang tinatawag na freedom of
expression ng isang tao?
Ang tahasang panluluko sa amin at sa aming mga anak
gaya ng pwersahang pagpapa-martsa sa mga 3rd year
Bachelor in Agricultural Technology (BAT) students
kahit na in-announce ito ni Dr. Cambel noong
Recognition Day 2007. Ito ba ay dahil gusto nyang
mangulimbat na naman ng pera sa amin sa pamamagitan ng
pagbabayad ng yearbook na P1,000.00 at paniningil ng
graduation fee at donasyon na P425.00 bawat
estudyante.
Ang graduation donation na kinolekta galing sa
graduating students noong 2006 at 2007 na sisabi
nilang gagamitin sa pagpapa semento ng flooring ng
gym. Saan napunta ang perang ito dahil hanggang
ngayon, hindi pa naman sementado ang flooring ng gym.
Ang panghihimasok ng administrasyon sa pagpapalakad ng
SSC sa pamamagitan ni Mrs. Mauricio na adviser ng SSC.
Maraming dapat sagutin ang SSC gaya ng pagsagawa ng
SSC Election 2008 for President only, fines na
kanilang kinolekta, sino ang humahawak ng pera at kung
saan napupunta ang mga perang ito. Tama lang ba na
ang mga perang ito ay hawak ng kanilang adviser?
Ang walang pakundangang educational tour ng THRT na
nagkakahalaga ng P3,870.00 per student under kay Mrs.
May Tabares na walang tamang kunsultasyon sa mga
estudyante. Ang hindi pagbigay ng breakdown ng
expenses sa mga students na nagbibigay ng hindi
magandang impresyon kung saan nagagastos ang perang
ito. Maraming beses na lumalabas ang estudyante para
sa assessment. Bakit hindi gawin na lang ang
assessment sa school. para menos ang gastos.
Ang abusong pag gamit ng sasakyan ng gobyerno ni Dr.
Cambel. dinadala nya ito araw-araw sa Isulan kung
saan gumagastos ang gobyerno ng gasolina sa humigit
kumulang na 60 kms x 2= 120 kms/ day na distansya ng
paaralan sa kanyang residensya. Ginagamit nya rin ito
sa kanyang farm kung Sabado at linggo.
Ang mga nawalang school projects na itinatag noong
1996-2001 galing ng Australia. Lahat ng ito ay wala
na. Saan napunta ang malaking perang ito kung saan
dapat ito ay ginagamit ng aming mga anak sa pang
agrikulturang kasanayan.
Ang e-library kung saan binabayaran nami ng P400.00/
semester/ student subalit hindi sulit ang binabayad
dahil 25 units lang na computers ang ginagamit ng
halos 1000 students, sira pa ang iba at ang serbisyo
ay hindi maganda dahil luma na at surplus ang mga
computers kaya mabagal ang linya ng internet.
Ang PGMA scholarship na nagbibigay ng P5000/ scholar.
Saan at ano ang ginawa ni Dr, Cambel sa napakalaking
perang ito. Tama lang ba na itoy pag hati-hatian ng
mga piling trabahante ng SUNAS kaysa gamitin ito sa
pag papa -improve ng mga facilities ng sa ganoon
maging de-calidad ang mga estudyanteng lalabas
pagkatapos ng kanilang pagsasanay.
Ang walang kamatayang issue sa test booklet na bisnis
ni Dr. Cambel na nagkakahalaga nh P5.00 each. 1 studen
x 8 subjects x P5.00= P40.00 x 2 semesters= P80.00 x
1000 students= P80,000.00 income galing testbooklets
per semester.
Ito ay iilan lamang sa mga pangyayari sa SUNAS na
dapat maimbestigahan ng TESDA. Ang mga dapat managot
ay papanagutin at kailangan nang itama ang mga
bagay-bagay sa SUNAS. Ang mga nasa katungkulan na
mapang abuso, mapanikil at walang kakayahang mamuno at
magpatakbo ng mahusay na eskwela ay dapat alisin o
palitan. Sayang ang pasahod ng mga taong bayan sa mga
taong ganito ang mga ipinapakita sa mga estudyante at
komunidad. Nakakahiya sila sa kanilang mga pwesto.
KAMI AY UMAASA NA BIGYANG ATENSYON ITONG AMING
KAHILINGAN PARA SA IKABUBUTI NG AMING MGA ANAK SA
SUNAS. HUWAG SANANG DUMATING ANG PAGKAKATAON NA ITO
AY AMING ISIWALAT SA MEDIA.
SAMA-SAMA NATING ITUWID ANG BALUKTOT NA PAMUMUNO SA
SUNAS. ALISIN SI DR. ISIDRO CAMBEL AT ANG KANYANG MGA
WALANG SILBING TAUHAN NA ANIMO’Y NAGBUBULAG- BULAGAN
SA MGA GINAGAWANG KATIWALIAN SA SUNAS.
Lubos na gumagalang,
MARALITANG MGA MAGULANG
NG MGA ESTUDYANTE NG SUNAS
May 9th, 2008 at 4:22 am
Republic of the Philippines
SURALLAH NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL
SUPREME STUDENT COUNCIL
Dajay, Surallah, South Cotabato
May 9, 2008
Office of the Director-General
TESDA 7/F TESDA Admin Building
East Service Road, South Superhighway
Taguig City, Manila Philippines
Sir:
Sana’y patnubayan kayo ng Poong Maykapal!
Matagal ko ng gustong sumulat sa inyo para naman mabigyang linaw ang mga isyung naglalabasan lalo pa nga’t nakakasira na sa SUNAS, ang nag-iisang College sa Surallah , South Cotabato.
Ibat-ibang emails na po ang mga naglabasan simula pa noon, nag-aakusang Corrupt si ganire o ganito, o kesyu ganito etc. Ang latest po na alam naming email ay galing raw sa “ Mga maralitang magulang ng mga mag-aaral sa SUNAS .” Idinetalye nila ang ibat-ibang problemang nararanasan umano ng SUNAS (Grabe naman ang mga parents na to, lahat ng kasulok-sulokan ng SUNAS , alam kung anong nangyayari…).
Sa ganang akin po, noon pa alam na namin kong kanino nanggagaling ang mga emails na yan .Iilang tao na hindi satisfied sa pamamalakad ni Dr. Isidro H. Cambel. Sa side po ng mga estudyante, kami ang nagiging kawawa sa hidwaan. Sana kung may alitan man ang kahit na sino sa kanila iresolve nila, kasi alam naman naming masosolve nila pag pinag-usapan lang.Wag nang gumamit ng mga Estudyante para maging sangkalan at mapansin ang mga isyung kanilang inilolobby.
Ayoko na sanang makialam kasi since first year ako ito nang nangyayari. Ngayong mag fofourth year na ako ngayong pasukan, gusto naman namin ng katahimikan. Kami ang naiipit sa gitna, gaya halimbawa ng kamuntik nang maunsyaming Graduation ng SUNAS dahil sa Divided na Faculty and Staff.
Naku! Kung di na nahiya ang mga tinutukoy ko, kaming mga Estudyante may hiya pa namang iniingatan. Habang nasisira ang pangalan ng paaralan, unti-unti ring lumiliit ang mga gustong mag-aral rito. Sasagutin ko ang isyung ipinupukol ng mga parents kuno sa SSC ( lahat na lang pati ang Council ng estudyante,sinusulot ng mga Teachers na itago na lang natin sa alias na mga maralitang magulang…Nakapagtuturo pa kaya sila…).
Na illegal ang ginawang election at illegal ang pag-upo ko bilang President, ang pakikialam umano ng Adviser namin ng Pera ng Council at pagdominate umano ng Admin sa Council.
Kung di ba naman nasisiraan ang mga kumag na ito! Ang SSC ay independent body na di kailangang pakialaman ng mga nagpapakilalang magulang na ito. Wala nga kaming Election protest mula sa students eh, o kahit na sa kalaban kong tumakbo, sila pa ngayon ang makapagsasabing di naayon ang ginawang election? Lahat ng basehan ay nakareiterate sa Student Hand book ng SUNAS at sa Constitution and By Laws ng SSC. Kung di sila makuntento at pati ang SSC ay isinasali nila sa kawalanghiyaan, buwagin na lang nila ang organisasyon at sila ang mamuno sa Students! Tingnan natin kung kayanin nilang gumawa ng responsibilities ng walang tinatanggap. Bakit ganyan po silang humusga e, voluntary naman kaming tumutulong sa SUNAS ?
Wala ring katotohanan na ang Adviser namin ang gumagasta ng Pera. Ipinapatago lang ng Treasurer ang pera for safe keeping. Bakit mababayaran ba ng Estudyante (Treasurer) ang perang 30, 000 + pag naiwala nya? Sa aking pamumuno ngayon, nasa One Network Bank na po ang pera .Maari po nilang tingnan at halungkatin samin ang Bank Book.
Ang Admin ay wala ring pakialam sa pamumuno ng SSC. May sarili kaming isip para magdesisyon. Hindi kami mga paslit na maaring utuin.
Sumulat po ako, dahil pagod na pagod na ako sa mga isyung ibinabato lalo na sa council. Unlike sa mga nagtatago sa kung anu-anong mga pangalan, ang inyo pong lingkod ay di natatakot na makausap nauukol sa mga isyung pang –SSC.
Sana po’y maging mapayapa na ang lahat dito sa SUNAS, at maunawaan sana ninyo ang aking layunin sa pagsagot na ito.
Maraming, maraming Salamat po!
Truly Yours,
RONALD D. PACOL
SUNAS SSC President
May 9th, 2008 at 4:34 am
sir,sagot ko po yan sa akusasyon umano ng mga maralitang magulang about sa ssc sunas .Huwag po sanang magamit ang pangalan ng kung sino-sino sa mga hinaing . Huwag na nilang isali ang ssc sa personal nilang mga intensyon..k na k po ako…salamat po.
April 17th, 2009 at 11:55 am
Hello,Senator Pangilinan greetings from Canada.I am a Pilipina but residing here in Canada but still have contact from my mother country,i am a Citizen here now.I have seen you picture’s at my cousin’s Restaurant in Baugio,city.I am also an avid fan of your famous wife when i was still there in Manila,we are neighbor’s cause i reside in Capt.Ambo Pasay ,City where the house of Sharon’s dad,Major Cuneta.What-ever project you have for the good of our country is highly appreciated.
God bless you in your undertakings and more power to you.Give my regards to the whole family,i love Sharon,s still watch her films trough the balik bayan’s friends that broght the DvD,when they come back from vacationing.Thank.
September 2nd, 2009 at 6:56 pm
Count me in! Let’s reform the government and its leaders!
Atty. Alvin
Makati City
albinoski2005@yahoo.com
0922-330-1080